Loss and Damage Fund Board Act na tutugon sa pinsala ng climate change, isa nang ganap na batas

Nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12019 o ang “Loss and Damage Fund Board Act.”

Sa ilalim ng RA No. 12019, binibigyan ng juridical at legal capacity ang Loss and Damage Fund Board na siyang tutugon sa mga pagkasira at pinsalang dulot ng climate change.

Bilang governing body ng fund, magkakaroon ng juridical personality ang board na may full legal capacity na makipagkontrata, kumuha, at mag-dispose ng mga ari-ariang hindi natitinag at natitinag (immovable at movable property), gayundin upang maglunsad ng mga legal proceedings.


Magkakaroon din ito ng kapasidad na makipag-ugnayan, magputol ng kasunduan, at makipag-usap sa World Bank bilang interim trustee at host ng fund’s secretariat, at isagawa ang mga aktibidad na kinakailangan para tuparin ang mga tungkulin nito.

At bilang bahagi naman ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at ng Paris Agreement, sinusuportahan din nito ang pagho-host ng pondo sa Pilipinas upang mapabilis ang pag-access sa mahalagang pondo para sa klima at mga pamumuhunan, na magpapatatag sa ekonomiya at tiyakin ang sustainable at inklusibong paglago para sa mga Pilipino.

Facebook Comments