Home Manila IFM 93.9 Manila Lote na inimbakan ng 10K litro ng diesel, pababantayan ng LGU

Lote na inimbakan ng 10K litro ng diesel, pababantayan ng LGU

0
Lote na inimbakan ng 10K litro ng diesel, pababantayan ng LGU

Ikinagulat ng punong barangay ng Sacred Heart, Quezon City nang iulat sa kanila ang tungkol sa isang lote sa residential area na ginawang imbakan ng 10K litro ng diesel at pinagtayuan pa ng fuel tank.

Mariing iginiit ni Barangay Sacred Heart Chairwoman Camille Malig-David na wala silang inisyung permit o clearance sa may-ari ng naturang lote para makapag-imbak ng langis, lalo’t ilegal ito.

Agad din aniya itong pinuntahan ng Barangay Public Safety Officer noong unang beses na nagsalin ng diesel sa fuel tank, ngunit ang nakausap lamang nila ay ang driver ng truck na wala ring naipakitang anumang dokumento.

Sa imbestigasyon ng barangay, nag-imbak umano ng diesel sa naturang lugar para sa “personal consumption.”

Pakinggan natin ang pahayag ni Barangay Sacred Heart Chairwoman Camille Malig-David kaugnay ng kanilang gagawing aksyon sa naturang isyu.

Facebook Comments