Lotlot de Leon, engaged na sa kaniyang Lebanese boyfriend

Noong July 15 ay nag-propose na kay Lotlot de Leon ang kanyang Lebanese boyfriend na si Fadi El Soury, isang businessman. Naganap ito sa Nature Wellness Village sa Tagaytay City.
Dati pa alam ni Lotlot na may plano talaga si Fadi magpropose ngunit hindi niya lang alam kung kailan kaya nagulat siya nang ilapag ng waiter sa harapan niya ang pinggang may lamang desserts at may nakasulat na “Marry Me!”
Nablangko at napaiyak si Lotlot sa proposal ni Fadi. Sabi ni Fadi sa kanya habang nakaluhod ang isang tuhod, “Don’t cry.”
Nagkakilala ang dalawa nang dahil sa kanilang common friend na nagpakilala sa kanila. Nagdiwang sila ng kanilang sixth anniversary noong January 17.
Plano nilang gawing beach wedding ang kasal at ganapin ng December dahil ito ay panahon na maraming holidays. Magkaiba ng relihiyon ang dalawa; si Fadi ay Muslim at si Lotlot naman ay Katoliko kaya civil wedding ang magiging seremonya ng kasal nila.

Facebook Comments