Lotto Games, Muling binuksan ng PCSO Isabela

Cauayan City, Isabela- Maaari na muling makapanaya ang publiko sa ilang laro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ibalik ang operasyon nito ngayong araw, July 20.

Ayon kay General Manager Yamashita Japinan, PCSO Isabela, simula ngayong araw ay binuksan na ang operasyon ng ‘Scratch It’ habang sa ‘Keno’ sa July 28 at Lotto Draw sa darating na August 4.

Panawagan nito sa publiko na ihanda ang mga lotto coupon na hindi nabola noong March 17, simula ng maipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.


Bukod dito, maghihintay pa ng desisyon mula sa tanggapan ni Pangulong Duterte kung kalian posibleng maibalik ang nakagawiang pagtaya sa STL.

Nabago na rin ang pagbola sa mga lotto games na dating 8:00 ng gabi subalit ipatutupad ang 3:00 tuwing hapon base sa polisiya na ibinaba ng PCSO Central Office.

May panawagan din ito sa publiko lalo na sa mga patuloy na tumatangkilik ng lotto games ng PCSO na huwag mawalan ng pag-asa para maging instant milyonaryo.

Facebook Comments