Lotto operations, ibinalik na

Binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng operation ng lotto game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – ang mga franchise holders at operators ng mga lotto outlet ay pinapayagan na muling mag-operate.

Ang kautusan ng Pangulo ay ‘effective immediately.’


Pero ang ibang gaming operations ng PCSO tulad ng Small-Town Lottery (STL), keno at Peryahan ng Bayan (PNP) ay mananatiling suspendido habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa mga ilegal na aktibidad at korapsyon.

Sinabi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea – wala nakitang anomalya ang mga imbestigador sa lotto operations.

Matatandaang ipinag-utos ng Pangulo na ipahinto ang lahat gaming operations ng PCSO nitong Sabado dahil sa malawakang korapsyon.

Ang Philippine Online Lottery Agents Association Inc. (POLAI) ay hinimok ang Pangulo na buhayin ang operations ng lotto, keno at iba pang laro.

Facebook Comments