Louisiana Rep. Steve Scalise – nasa kritikal na kondisyon matapos barilin sa isang charity event sa Amerika

World – Nasa kritikal pa rin kalagayan si Rep. Steve Scalise matapos ang kanyang operasyon.

Ito ang kinumpirma ng Medstar Washington Hospital Center kung saan dinala si Scalise matapos na tamaan sa kanyang baywang ng barilin ng suspek na si James Hodgkinson sa isang baseball charity event sa Alexandria, Virginia.

Gamit ng suspek ang isang sks rifle, isang uri ng Chinese-made at isang 9mm pistol.


Sa pag-atake na limang iba pa ang sugatan kasama ang aide ng kongresista at dalawang pulis.

Itinuturing naman ng mga otoridad na isang hate crime ang insidente matapos na makakita ng mga post ng suspek sa social media na anti-Trump.

Facebook Comments