Love advice ni Ruffa Gutierrez sa kanyang mga anak – alamin

Showbiz – Mukhang namana ng dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez kay mommy Annabelle Rama ang pagiging istrikto niya sa kanyang mga anak lalo na pagdating sa love life.

Kwento ni Ruffa, mahigpit ang pagpapatupad niya ng “no boyfriend yet” rule kina Lorin at Venice.

Pero sa halip na pingutin ang tenga gaya ng ginagawa sa kanya noon ni mommy Annabelle, maayos na lang daw niyang kinakausap at pinaaalahanan ang kanyang mga bagets.


“Use your brain” ‘yan ang payo niya lagi kina Lorin at Venice.

Paliwanag ni Ruffa, gusto niya na matuto sa pagkakamali niya noon ang kanyang mga anak.

Facebook Comments