Love Laban 2 Festival, binuksan na sa Quezon City Circle ngayong umaga

Lalarga na ngayong araw ang ikatlong Pride Festival sa lungsod ng Quezon para sa LGBTQIA+ community na tatawaging “Love Laban 2 Everyone.”

Maaga pa lang ay dinaragsa na ng mga tao ang Quezon City Memorial Circle para masaksihan ang iba’t ibang aktibidad.

Itatampok sa festival ang Pride Expo sa loob ng circle, food and art market sa kahabaan ng Matalino Street; Pride march at ang Pride night.


Sa abiso ng QC-LGU, sisimulan ang Parada mamayang hapon mula sa Tomas Morato at daraan ng Timog at Quezon Avenue.

Bukod pa rito ang isa pang parada na magmumula sa Matalino Street at magsasalubong sa Elliptical Road na susundan ng konsyerto sa Memorial Circle.

Tiniyak naman ng LGU na magde-deploy ng sapat na traffic enforcer para alalayan ang daloy ng trapiko patungo sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments