Love team, kabilang sa listahan ng mga celebrity na sangkot sa illegal drugs

Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na mayroong love team sa kanilang listahan ng mga artista na sangkot umano sa ilegal na droga.

Ayon kay Aquino, may nakita siyang love team sa 31 celebrities na nasa drug watchlist.

Bagaman hindi pinangalanan iginiit ni Aquino na dapat nang tumigil sa paggamit o pagtutulak ng droga ang mga artista.


Aminado naman si PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac na hindi madali ang pagkalap ng ebidensya laban sa mga celebrities na nasa listahan.

Kasabay nito, hinamon ni Senator Panfilo Lacson ang PDEA na kasuhan na ang mga artistang sangkot sa ilegal na droga kung talagang may ebidensiya.

Para makatulong umano sa kampanya kontra-droga, hinimok naman ng PDEA ang mga TV network na isailalim sa surprise at mandatory drug test ang mga artista.

Pero kung gagawin aniya ito, dapat mayroong mga tauhan ng PDEA na susubaybay sa gagawing pag-inspeksyon.

Facebook Comments