“Love the Philippines” na bagong tourism slogan, kinagigiliwan ng mga namamasyal sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

Positibo ang pagtanggap ng ilan nating mga kababayan sa bagong tourism slogan ng Pilipinas na “Love the Philippines” kapalit ng “It’s more fun in the Philippines.”

Sa mga namamasyal sa Pinaglaban Shrine sa San Juan City na isa sa Historical Site sa bansa, sinabi nila na magandang pakinggan ang “Love the Philippines.”

Hindi lang kasi lugar ang dapat mahalin sa Pilipinas kundi maging ang ugali ng mga Pilipino na hospitable o magiliw sa mga turista.


Paliwanag pa nila, kamahal-mahal naman ang Pilipinas at tayong mga Pilipino ang kinakailangang unang magpakita nito para sundan ng mga dayuhan.

Nabatid na kahapon, opisyal nang pinalitan ng Department of Tourism ang Tourism slogan ng bansa kasabay ng ika-50 anibersaryo ng Philippine Tourism.

Ito’y para maisulong ang iba’t-ibang katangian ng Pilipinas at mga Pilipino na maipagmamalaki at maaring mahalin.

Suportado naman ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang bagong Tourism Slogan.

Kasabay nito, hinikayat ng pangulo ang bawat isa na maging Tourism Power-House sa Asya ang Pilipinas.

Facebook Comments