‘Love the Philippines’ slogan, pinuri ng United Nations Tourism Director

Bumilib sa “Love the Philippines” slogan ng Department of Tourism (DOT) ang isang opisyal ng United Nations (UN).

Ayon kay UN Tourism Regional Director for Asia and the Pacific Harry Hwang, “very powerful tagline” umano ang tourism slogan ng Pilipinas na madaling maintindihan ng mga tao.

Ito’y ibinahagi ni Hwang sa isang panayam sa 36th Joint Commission Meeting ng Commission for East Asia and the Pacific at ng Commission for South Asia nitong Biyernes.


Hinangaan rin ni Hwang ang mahusay na pagtanggap ng mga Pilipino sa mga turista bukod pa sa mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.

Matatandaang inilunsad ng DOT ang “Love the Philippines” slogan noong 2023 upang bigyang-diin na higit pa ang mararanasang saya ng mga turista kapag binisita ang bansa.

Facebook Comments