LOVE TRAINGLE | 3 magkakaibigang nag-uusap lang, pinaulanan ng bala

Quezon City – Patay ang isang service crew at sugatan ang dalawa pa matapos ang naganap na pamamaril sa Barangay Old Balara sa Quezon City.

Dead on arrival si Fredgie Balakid, 18-anyos habang nilalapatan na ng lunas ang mga kaibigang sina Rod Alibao, 21-anyos at Paul Hanaban, 19-anyos.

Kwento ng testigo, nag-uusap lang ang tatlong magkakaibigan sa lugar nang biglang may dumaang nakamotor at pinaulanan ng putok ng baril.


Dagdag pa ng testigo na kakilala rin ng tatlo, marami nang natatanggap na death threat ang nasawi nitong nakaraang linggo dahil sa selos.

Kaya naman tinitingnan nang anggulo ngayon ng mga pulis ang love triangle.

Facebook Comments