United Kingdom – Love your curves, blessing yan!
‘Yan nga ang payo ng mga eksperto lalo na sa mga kababaihang may malalaking “behind” o pwet!
Alam niyo ba na base sa pag-aaral ng Churchill Hospital at ng University of Oxford sa UK ang mga babae raw na may malalaking pwet at hita ay mas matatalino at mas malulusog!
Lumabas raw kasi sa pag-aaral na mas okey ‘yung may fat build-up below the waist dahil nagsisilbi itong panangga sa mga chronic illnesses gaya ng diabetes, heart diseases at iba pang health issue na may kinalaman sa obesity.
Ang taba raw sa lower body at nakakaapekto rin sa suplay ng poly-unsaturated fats na kailangan sa neuro development ng isang tao na nagreresulta naman ng advance cognitive abilities.
Sabi pa ng Oxford University, ang mga babaeng may malalaking balakang, pwet at hita at malaki ang tiyansa na magkaroon ng anak na matatalino rin!
Kaya para mapanatili ang malaking pwet, kailangan ng omega-3 fatty acids na proven na nakakapag-promote ng ognitive abilities, matalas na pag-iisip at overall brain function.