Lovers – Drugs Together, Jail Together

Together in drugs, together in jail… Ito ngayon ang kinasasadlakan ng dalawang magka-live-in partner nang kapwa sila arestuhin ng elemento ng kapulisan sa isang drug buy-bust operation.
Bagsak sa kamay ng otoridad ang mag-live-in partners na sina Ella Banes, edad 36, at Angel Abugao, edad 23 ng Zone 7, Barangay San Felipe, Naga City.
Ayon sa report, kahapon October 22, banbdang alas 4:20 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga element ng Naga City Police Drug Enforcement Unit at Regional Police Drug Enforcement Unit in coordination with PDEA CamSur sa pamumuno ni PSSUPT Felix Servita Jr. na positibong nagresulta sa pagkakaaresto ng magka-live-in at pagkakakumpiska ng heat-sealed sachet na may lamang pinaniniwalang shabu, 3 plastic sachet ng damong pinaniniwalaang dried marijuana leaves, mga drug paraphernalias at marked buy-bust money.
Kasalukuyang nasa custody ng Naga City PNP ang mga suspects para sampahan ng karampatang kaso.

Facebook Comments