Sinibak sa pwesto ang labing anim na Chief of Police sa CARAGA Region dahil sa mababang performance sa kampanya kontral iligal na droga.
Mismong iniutos ni Caraga Regional Director, Chief Superintendent Noli Romana ang pagsibak sa mga ito.
Ito ay matapos na irekomenda ito ng Oversight Committee on Illegal Drugs matapos na hindi ma-meet ang requirements na kanilang prinisenta sa oversight committee.
Ang oversight committee ay pinangunahan ni Police Sr Supt Jimili Macaraeg, ang Acting Deputy Regional Director for Operations.
Ang mga sinibak ay ang Chief of Police ng Santiago Municipal Police Station, Las Nieves MPS, Kitcharao MPS, at Magallanes MPS ng Agusan del Norte Police Provincial Office;
Kabilang pa ang Taganaan MPS, Bacuag MPS at San Francisco MPS ng Surigao del Norte Police Provincial Office;
At Cantilan MPs, Marihatag MPS, Cagwait MPS and Madrid MPS ng Surigao del Sur Police Provincial Office.