Weather – Patuloy na nagpapaulan sa napakalaking bahagi ng bansa ang isang Low Pressure Area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa layong 105 kilometro hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Magdadala ito ng ulan sa Luzon lalo na Northern Palawan, Mindoro, Mariduque, Romblon, Quezon at Aurora Province.
Sa Visayas, may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Bahagyang mabuti ang panahon sa Mindanao pero posible pa rin ang isolated thunderstorms sa hapon o gabi.
Agwat ng temperatura mula 26 hanggang 31 degrees celsius.
Sunrise: 5:26 ng umaga
Sunset: 6:24 ng gabi
DZXL558
Facebook Comments