Low pressure area sa bahagi ng Catanduanes, isa nang ganap na bagyo!

Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure area sa bahagi ng Catanduanes.

Dakong alas 8:00 kagabi nang maging Tropical Depression ang LPA at tinawag itong bagyong ‘Egay’.

Alas 3:00 kaninang madaling araw, huling namataan ang bagyo sa layong 810 Kilometers silangan ng Daet, Camarines Norte.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 Kilometers per hour at pagbugsong 65 KPH.

Kumikilos ito pa West Northwest sa bilis na 15 KPH.

Ayon sa PAGASA, mababa pa ang tiyansa na maglandfall ang bagyo sa numang bahagi ng bansa.

Samantala, hanging habagat pa rin ang nakakaapekto sa Luzon kaya asahan ang pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, Zambales at Bataan.

Habang ang buong Visayas at natitirang bahagi ng Luzon ay makakaranas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.

At sa Mindanao, magiging maaliwalas ang panahon pero may posibilidad pa rin ng mga isolated rainshower bunsod ng Localized Thunderstorm.

Facebook Comments