Manila, Philippines – Isinusulong ng grupo ng mga mangingisda ang nationwide boycott ng mga imported na galunggong.
Ito ay kasunod ng plano ng Department of Agriculture (DA) na gawing kada taon ang pag-aangkat ng isda.
Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya, hinihimok nila ang mga mangingisda, local vendors, at consumers na huwag tangkilikin ang imported products dahil hindi maganda ang kalidad nito at posibleng makasama pa sa kalusugan.
Papatayin din nito ang kabuhayan ng mga local food producer tulad ng mga maliliit at municipal fishermen.
Ang dapat tangkilikin ay ang mga lokal at sariling marine at aquatic products dahil pinalalakas nito ang local fishing industry.
Hindi rin naniniwala ang grupong pamalakaya ang sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mga aangkating galunggong ay may mababang formaldehyde.
Una nang naglabas ng kautusan ang DA na mag-angkat na nasa 17,000 metric tons ng galunggong galing China, Vietnam at Taiwan simula sa September 1.