LOW RISK CLASSIFICATION NG PANGASINAN KAUGNAY NAITATALANG ATTACK RATE NG COVID-19, TINITIGNAN NA NG IATF

LINGAYEN, PANGASINAN – Tuloy-tuloy ang pagkakatala ng Pangasinan na mababang daily average cases kung kaya’t tinitignan ngayon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF ang pagiging low risk ng lalawigan kaugnay sa COVID-19 attack rate.
Sinabi ni Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Office Chief, naitala na lamang na daily average attack rate a isa na lamang at ang mga bayan na nakapagtatala ng kaso ng COVID-19 ay moderate risk na lamang ngunit ayon sa kanya ay hindi pa ito mataas dahil sa nasa 2.9% lamang ang attack rate sa buong lalawigan.
Dagdag pa ni De Guzman na nasa 10% bed occupancy rate lamang sa mga ospital para sa mga indibidwal na severe at moderate risk na tinamaan ng virus.

Samantala, malaking porsyento o 90% ng kaso ng COVID-19 infections ngayon ay mild o asymptomatic kaya sila naman ay namamalagi sa kanilang bahay habang ang 10% naman na nasa ospital at doon nagpapagaling ay mga indibidwal na partial o unvaccinated kontra COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments