Loyalty check sa hanay ng Sandatahang Lakas, hindi kailangan

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kailangan ng loyalty check sa kanilang hanay.

Ito’y kasunod ng mga kumalat na fake news laban sa kanilang organisasyon.

Ang pinakahuli dito ay ang umano’y pag walk out ng ilang matataas na opisyal ng AFP sa kalagitnaan ng command conference kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kamakailan.


Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, high morale ang mga sundalo at sila’y mga professional.

Nauna nang pinasinungalingan ng AFP na may naganap na ganoong pangyayari.

Patuloy na nananawagan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa publiko na maging maingat at suriing mabuti ang mga nababasang impormasyon at huwag maging agent ng pagpapakalat ng fake news.

Facebook Comments