Loyalty check sa mga police commander sa Mindanao, ipinatupad ng PNP sa gitna ng isyu ng ‘One Mindanao’

Nagpatupad ng loyalty check ang Philippine National Police (PNP) sa mga police commander sa Mindanao sa gitna ng panawagang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Ito ang inamin ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., sa press briefing sa Malacañang.

Ayon kay Acorda, bahagi ng kanilang tungkuling i-check ang counter-intelligence dahil mayroon silang sinumpaan na susundin ang konstitusyon at protektahan ang bansa.


Dagdag pa ni Acorda na matagal siyang nadestino sa Mindanao kaya alam niya ang mga sakripisyo at buhay ng maraming taga-Mindanao bago nakamit ang kapayapaan sa rehiyon.

Kumpiyansa rin si Acorda na hindi na gugustuhin ng mga police commander na guluhin ang sitwasyon doon dahil sa kasalukuyan ay maganda na ang sitwasyon sa Mindanao.

Facebook Comments