LOYALTY TEST | Pagha-hire ng “love tester” – patok sa China

China – Isang online entrepreneur sa China ang nauuso ngayon dahil sa iniaalok nilang “love testers”.

Ang love tester ay ginagawa ng mga Chinese bilang relationship loyalty test.

Ang magiging trabaho ng love tester, magpa-cute o subukang akitin ang girlfriend o boyfriend mo para malaman kung tapat siya sayo.


Ang siste, kukunin ng iha-hire mong love tester ang ilang impormasyon tungkol sa partner mo gaya ng pangalan, social media accounts, mobile number, trabaho at hobby.

Pagkatapos, makikipagkaibigan ang love tester sa partner ng kanyang kliyente sa wechat at doon na magkakaalaman kung mahuhulog sa patibong ang target o hindi siya bibigay sa panlalandi ng love tester.

20 yuan hanggang 1,314 yuan ang charge sa nasabing serbisyo o katumbas ng mahigit P150 to P10,000.

Facebook Comments