Kinumpirma ng pamunuan ng Loyola Memorial Park sa Marikina City na halos 3K mga bisita na ang pumasok ngayong araw sa nasabing sementeryo.
Ayon kay Gabby dela Paz, Park Manager ng Loyola Marikina, 120K na mga bisita ang inaasahan nilang papasok dito hanggang sa November 2.
Sa katunayan aniya, linggo pa nagsimulang dumagsa rito ang mga kaanak ng nakahimlay sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
Sinabi rin ni Dela Paz na kahapon may mga bisita rin na pumasok muna rito bago bumoto sa mga paaralan.
Sa ngayon halos 400K ang mga nakahimlay sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
Facebook Comments