Manila, Philippines – Binatikos ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan ang paghahain ng kasong plunder ng Dept. of Transportation o DOTr laban sa mga dating opsiyal ng gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa umanoy anumalya sa kontrata para sa operasyon at maintenance ng Metro Rail Transit o MRT line 3.
Giit ni Pangilinan, layunin ng paghahain ng kaso na mapagtakpan ang kabiguan ng administrasyong Duterte na matupad ang mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kampanya na bibigyang-solusyon ang lahat ng problema ng MRT.
Diin ni Pangilinan, ang patuloy na pagpako ng administrasyon sa mga pangako nito ay hindi na lang kawalang respeto o pambabastos sa mga nagdurusang pashero ng MRT kundi panloloko din.
Nagpahayag din ng hinanakit si pangilinan sa pag ipit sa mga kritiko ni Pangulong Duterte at pagpaparaya naman mga kinasuhang kakampi ni Pangulong Duterte.
Pangunahin sa tinukoy ni Pangilinan sina Supt. Marvin Marcos na namuno sa pagpsalang umano kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Sina immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles na may kasong pangingikil ng halos P50 milyon; at sina dating Customs Officials Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo na napuslitan na ng P6.4-bilyong halaga ng shabu pero nilipat lang sa ibang pwesto bagamat hindi pa sila pinapawalang-sala sa kanilang pagkakasangkot.