LP President Senator Francis Pangilinan, ipinagtanggol ang media

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Liberal Party President Francis
Pangilinan ang media.

Ito’y matapos banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi patas na
pagbabalita.

Ayon kay Pangilinan na bahagi ng demokrasya ang malayang pamamahayag kasama
na ang pagpuna sa Pangulo.


Giit ng Senador na dahil sa malayang pamamahayag ay tumitibay ang
demokrasya at kalayaan.

Pagpapaalala pa ni Pangilinan na ilang Pangulo na ang nakipagbangaan sa
media pero nagpatuloy lang ang media sa kanilang tungkulin ngunit hindi ang
Pangulo ng bansa.

Facebook Comments