Lp Presidential Bet Mar Roxas, Nakisimpatya Sa Mga Ofw Sa Hk

10

MANILA – Ramdam ni Liberal Party Presidential Bet Mar Roxas ang kalungkutan ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.Sa pagdalaw nila Roxas at Vice-Presidential Candidate Leni Robredo sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong, sinabi ni Roxas na minsan rin siyang naging OFW kung saan nagtrabaho ito sa isang bangko sa New York.Ayon kay Roxas, dama niya ang pangungulila at pagkasabik ng mga OFW na makauwi sa kanilang mga bayan pero napipilitang umalis dahil sa kalagayan ng bansa.Pero sinabi nitong hindi na tulad nang dati na lugmok ang bansa dahil nagiging mas progresibo na ito.Kung datingSick Man of Asiaang tawag sa atin, ngayon ay kilala na tayongAsia’s Bright Stardahil sa maayos na pamamahala.Kaya naman hinikayat nito kasama si Robredo ang mga OFW na ipagpatuloy ang magandang nasimulan sa ilalim ng daang matuwid.

Facebook Comments