LP Senators, may hinala na hakbang para sa nationwide martial law ang planong kanselasyon ng Barangay at SK elections

Manila, Philippines – Malaki ang hinala mga Senador na kabilang sa Liberal Party o LP na ang planong kaselasyon sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay bahagi ng hakbang sa pagdeklara ng martial law sa buong bansa.

Ang pahayag ay ginawa ng opposition senators makaraang isulong ng Senate Committee on Electoral Reforms ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at SK elections kaakibat ang pagpapahintulot kay President Rodrigo Duterte na makapagtalaga ng Officers-In-Charge sa mga barangay.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, haharangin nila ang nabanggit na panukala dahil ipagkakait nito ang karapatan ng mamamayan na pumili ng kanilang mga leaders sa barangay level.


Ikinokonekta naman ni LP President Senator Kiko Pangilinan ang planong kaselasyon sa Barangay election sa iba pang mga pangyayari ngayon sa bansa at sa pamahalaan na nagpapakita ng pag-atake sa ating mga karapatan at papairal ng diktadurya.

Katulad aniya ng pagbibigay ng 1,000 pondo ng kamara sa Commission on Human Rights, pag-extend ng martial law sa Mindanao, pagkalat ng fake news, paglibing ng isang diktador sa Libingan ng mga Bayani, at higit sa lahat ang hindi sinusulusyunang kaso ng patayan.

Maliban kina Drilon at Pangilinan, miyembro din ng LP sina Senators Leila De Lima at Bam Aquino.

Facebook Comments