Lp Standard Bearer Mar Roxas, Nanguna Sa Independent Survey Ng D’Strafford

15

MANILA – Nanguna si Administration Standard-Bearer Mar Roxas sa bagong non-commissioned survey na isinagawa ng international company na D’Strafford Research & Strategies Inc.Batay sa survey ng D’Strafford, nakakuha si Roxas ng 26.2% samantalang pumangalawa si Sen. Grace Poe na mayroong 25.9%.Tabla naman sa ikatlong pwesto sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte (20.4%) at Vice President Jejomar Binay (19.1%) habang nasa huling pwesto si Senator Miriam Defensor-Santiago na nakakuha ng 4.1%.Isinagawa ang survey mula April 13 hanggang 18 sa mahigit 2,800 respondent na mga rehistadong botante sa ibat-ibang panig ng bansa.Ang D’Strafford Research & Strategies Inc. ay isang international company na nagsasagawa ng public opinion surveys, marketing, research, advertising at consulting sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

Facebook Comments