Dalawang weather system ang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA-DOST na huling namataan sa layong 705 kilometers Silangan ng Davao City.
Bagama’t mababa ang tiyansang maging bagyo ay magpapaulan pa rin ito sa Visayas, Mindanao, Albay, Catanduanes, Sorsogon, at Masbate.
Samantala, hanging amihan ang magdadala ng maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Cagayan Valley, Quezon, Aurora, Marinduque at nalalabing bahagi ng Bicol Region.
Magandang panahon naman ang inaasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon maliban sa mahihinang pag-ulan bunsod pa rin ng northeast monsoon.
Facebook Comments