LPA, magpapaulan sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao

Magpapaulan ngayong araw sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula ang trough o extension ng Low Pressure Area.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,315 kilometers silangan ng Central Luzon.

Maliit naman ang tiyansa na maging bagyo ito.


Pero ayon sa PAGASA, patuloy nilang mino-monitor ang LPA na maaari pang lumapit sa bansa sa mga susunod na araw.

Samantala, makararanas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers bunsod ng localized thunderstorms.

Dahil dito, nagbabala rin ang PAGASA ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Facebook Comments