LPA na nasa labas ng PAR, patuloy na binabantayan

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng bansa.

Alas 10:00 kaninang umaga, huli itong namataan sa layong 1,890 kilometers silangan ng Mindanao.

Tataas ang tiyansa nitong maging bagyo oras na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi o sa madaling araw ng Sabado.


Sa Sabado, mararamdaman na ang epekto nito na magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Pero sa ngayon, hanging amihan pa rin ang umiiral sa buong bansa.

Magiging maaliwalas pa rin ang panahon ngayong araw maliban sa extreme northern Luzon na makararanas ng mga isolated light rains.

Samantala, kaninang alas 7:50 ng umaga pumalo sa 19 degrees celsius ang temperatura sa Science Garden sa Quezon City na pinakamalamig na temperaturang naitala sa Metro Manila ngayong Enero.

Naitala naman ang 14 degrees celsius sa Baguio habang 19 degrees celsius din sa Tuguegarao City.

Facebook Comments