LPA na nasa silangan ng eastern Samar, bagyong Falcon na!

Naging tropical depression na ang dating Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Pilipinas.

Ang bagyong Falcon ay namataan sa layong 990 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at may pagbugsong nasa 60 kph.


Kumikilos ito hilaga-hilangang kanluran sa 20 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – mararamdaman ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa trough o buntot ng bagyo.

Pinalalakas muli ng bagyo ang hanging habagat na magpapaulan sa Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago.

Sa Miyerkules, inaasahang mararamdaman na ang mga pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Calabarzon, Western Visayas dahil sa pinagsamang epekto ng habagat at bagyong Falcon.

Facebook Comments