LPA o dating bagyong Amang, patuloy na nagpapaulan sa Eastern Visayas

Humina at naging Low Pressure Area (LPA) na lamang ang dating bagyong Amang.

Ito ay matapos dalawang beses na tumama ng kalupaan at dahil din sa epekto ng hanging amihan.

Huling namataan ang LPA sa layong 85 kilometers, silangan ng Catarman, Northern Samar.


Wala nang nakataas na tropical storm warning signals.

Asahan pa rin ang maghapong ulan sa Eastern at Central Visayas, maging sa Caraga at Davao Region.

Magkakaroon din ng thunderstorms sa halos buong Mindanao.

May pag-ulan ding mararanasan sa Bicol Region lalo na sa Albay at Sorsogon.

Sa Metro Manila, maulap at mababa ang tiyansa ng ulan.

*Sunrise: 6:25 ng umaga*
*Sunset: 5:50 ng hapon*

Samantala, nananatiling walang pasok sa mga sumusunod na lugar bunsod ng masamang panahon.

*All levels*
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Catarman, Northern Samar

*Pre-school – senior high school*
Biri, Northern Samar
Laoang, Northern Samar

Facebook Comments