Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nagdadala ng paminsan-minsang pag-ulan sa Northern Palawan.
Huling namataan ang LPA sa layong 325 kilometers west northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.
Samantala, trough ng LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nagdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat.
Nasa layo itong 1,270 kilometers silangan ng Mindanao.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Patuloy din namang nakakaapekto sa Calabarzon, Isabela, Aurora, Nueva Ecija at Bulacan ang tail end of a cold front.
Habang maaaliwalas na ang panahon sa Metro Manila pero asahan pa rin ang occasional light rains gayundin sa natitirang bahagi ng Northern at Central Luzon.