Nagpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa ang isang Low Pressure Area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 625 kilometers hilangang silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 680 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Nakakaapekto ang trough o buntot ng LPA sa Northern Mindanao, Visayas at Katimugang Luzon.
Inaasahang hahatakin ng LPA ang southwest monsoon o hanging habagat.
Mainit at maalinsangan sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila pero magkakaroon ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Hindi naman inaasahang lalakas at maging bagyo ang LPA.
Facebook Comments