LPA sa bahagi ng Baler, Aurora, isa nang ganap na bagyo; Signal No.1, nakataas na sa 16 na lugar sa Luzon

Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA sa silangan ng Baler, Aurora.

Alas-8:00 kagabi nang maging tropical depression ang LPA na tatawagin nang bagyong “Dodong.”

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 55 kilometers Silangan Hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.


Kumikilos ito pa-Hilaga Hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 45 km/h at pagbugsong 55 km/h.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na lugar:

 Cagayan
 Isabela
 Quirino
 Nueva Vizcaya
 Apayao
 Kalinga
 Abra
 Mountain Province
 Ifugao
 Benguet
 Ilocos Norte
 Ilocos Sur
 La Union
 northern portion of Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, Anda)
 northern and central portions of Aurora (Maria Aurora, San Luis, Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
 northern and eastern portions of Polillo Islands (Panukulan, Burdeos, Patnanungan, Jomalig)

Sa forecast ng PAGASA, posibleng tumawid ng kalupaan ng Hilagang Luzon ang bagyo.

Lalabas ito sa katubigan sa kanluran ng Ilocos Region at patuloy na kikilos pa-Hilagang-kanluran.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Dodong sa Sabado o Linggo kung saan maaari pa itong umabot sa tropical storm category.

Facebook Comments