LPA sa Philippine Sea, isa nang ganap na bagyo

Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, ang tropical depression na pinangalanang “Emong” ang kikilos pa-Hilagang Kanluran.

Nakikitang tatawid ito ng extreme Northern Luzon papuntang Taiwan area.


Posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments