LPP, ipagpapatuloy ang kanilang kampanya kontra sa CPP-NPA-NDF

Nanindigan League of Parents of the Philippines (LPP) na hindi kayang patahimikin ang kanilang boses bilang ordinaryong mamamayan sa paninindigang pagdeklarang isang teroristang organisasyon ang CPP-NPA-NDF.

Sinabi ni LPP President Remy Rosadio na magpapatuloy silang magpapahayag laban sa anumang banta sa pamilya at sa bansa.

Nauna nang idinipensa ng grupo si Dr. Lorraine Badoy sa paninindigan nito sa pagdeklarang isang teroristang organisasyon ang CPP-NPA-NDF


Ani Rosadio, ang pahayag ni Badoy ay sumasalamin sa paniniwala ng nakakaraming mamamayan.

Aniya, bilang isang private citizen, karapatan ni Badoy na kuwestyunin ang desisyon ni Judge Marlo Malagar ng hindi pagdeklara sa CPP at NPA bilang terrorists groups

Bilang mga magulang, kanila ding kinukwestyon ang desisyon ng hukom.

Sinabi pa ni Rosadio, hindi lamang ang gobyerno ng Pilipinas ang nagbansag sa teroristang grupo kungdi pati na ang European Union, Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Australia at New Zealand.

Para sa kanila, ang CPP-NPA -NDF at lahat ng nagtatanggol dito ang naglagay ng panganib sa mamamayan at sa mga kabataan.

Facebook Comments