Umapela ng tulong ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa Department of Health (DOH) at mga pribadong sektor na bigyan sila ng karagdagang volunteers para sa ‘Bayanihan, Bakunahan’ na magsisimula sa November 29.
Ayon kay LPP President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., mahihirapan silang magbakuna nang marami kung kulang sila ng vaccinators at encoders.
Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa national government para sa kakailanganing suplay ng bakuna at cold storage facilities.
Samantala, magpapatupad din ang mga LGU ng iba’t ibang strategies para mahikayat ang mga tao na magpabakuna gaya ng pagbibigay ng pagkain at vehicle service papunta sa vaccination sites.
Target na mabakunahan sa gagawing 3-Day National Vaccination ang nasa 15 milyong Pilipino.