LQ? | Pia Wurtzbach at Marlon Stockhinger – in-unfollow ang isa’t isa sa IG

Manila, Philippines – Tila may L.Q. (Love Quarrel) ang magkasintahang sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at car racer na si Marlon Stockhinger.

Ito ay matapos na nag-unfollow sa isa’t isa sina pia at marlon sa kanilang mga Instagram account.

Huling nakitang magkasama ang dalawa, dalawang linggo na ang nakararaan.


Hinala tuloy ng ilang fans, posibleng nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan matapos na manood ang beauty queen ng concert ng south korean boy group na Super Junior noong Sabado.

Facebook Comments