Nasa higit 50-porsyento nang kumpleto ang Cavite Extension Project ng Light Rail Transit Line 1.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang overall progress ng proyekto ay nasa 51.61% mula nitong December 31, 2020.
Ang mga construction activities sa rail extension ay kinabibilangan ng bored piling, pier o portal column works at pagtatayo ng train stations.
Pinalalawak din ang existing depot sa Baclaran, maging ang pagtatayo ng satellite depot sa Zapote.
Ang proyekto ay 11.7 kilometer extension ng kasalukuyang LRT-1 mula sa Baclaran Station ay madadagdagan ito ng walo pang istasyon: Redemptorist; MIA Station; Asiaworld; Nino Aquino; Las Piñas; Zapote; at Niog.
Kapag natapos ang proyekto, ang travel time mula Manila patungong Cavite ay magiging 25 minuto na lamang mula sa dating higit isang oras.
Inaasahang magbubukas ito para sa partial operations sa katapusan ng 2021.