LRT-1 Cavite Extension, inisyal na magbubukas sa ika-apat na kwarter ng 2021

Photo Courtesy: Department of Transportation

Maaaring buksan para sa partial operations ang Cavite Extension Project ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 sa ika-apat na kwarter ng 2021.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 50.54% na itong tapos mula noong November 30.

Sinabi ni Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan, ang Redemptorist Station sa Baclaran, Parañaque City, ang unang istasyon ng Cavite Extension na magiging partially operational sa December 2021.


Sa ilalim ng proyekto, magtatayo ng 11.7 kilometer extension na may walong karagdagang istasyon.

Kabilang na rito ang Redemptorist Station, MIA Station, Asia World Station, Ninoy Aquino Station, Las Piñas Station, Zapote Station, at Niog Station sa Bacoor Cavite.

Inaasahang mapapaikli nito ang biyahe mula Manila patungong Cavite mula sa 1 hour at 10 minutes patungong 25 minutes na lamang.

Aabot sa 300,000 hanggang 500,000 na pasahero ang maseserbisyuhan ng proyekto.

Facebook Comments