LRT-1 Cavite Extension Phase 1 Project, inaasahang magsisimula ang operasyon sa 2024

Asahan na magsisimula na ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Terminal 1 Cavite extension project sa susunod na taon.

Ayon sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), aabot na sa 94.1% ang progress na ginagawa sa LRT-1 Cavite Extension Phase 1 Project ngayong third quarter ng 2023.

Kung kaya umaasa si LRMC President and CEO Juan F. Alfonso, sa pagsisimula ng operation ng LRT-1 Extension sa loob ng taon para maipakita ang modern railway na may safety standards at magagandang pasilidad.


Ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 Project ay kinabibilangan ng limang bagong istasyon, ang Redemptorist Station, (Manila International Airport) MIA Station na pinakamalapit sa airport, Asia World Station na konektado sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Ninoy Aquino Station at ang Santos Station.

Patuloy naman ang pagtitiyak ng LRMC na kaligtasan pa rin ng mga mangagawa ang mas mahalaga.

Facebook Comments