LRT-1, LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

Maghahandog ng libreng sakay ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3), Light Rail Transit (LRT) 1 at 2 sa June 12.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ito ay para sa selebrasyon ng ika-121 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Makakalibre ang mga commuter ng tatlong train lines mula alas siyete ng umaga hanggang alas nuwebe ng umaga.


Libre rin ang sakay mula alas singko ng hapon hanggang alas siyete ng gabi.

Facebook Comments