LRT-1, may libreng sakay para sa mga senior citizen ngayong araw

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Light Rail Transit 1 para sa mga Senior Citizen ngayon araw, Oktubre 8.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation o LRMC, ito ay bilang pag-alala sa Elderly Filipino Week.

Maaring makalibreng sakay ang mga Senior Citizen sa lahat ng 20 istasyon ng LRT Line 1 mula Baclaran sa Parañaque City hanggang Roosevelt sa Quezon City.


Nagbukas ang LRT 1 ng alas 4:30 ng madaling araw hanggang alas 9:30 ng gabi.

Paliwanag ng LRT para maka avail ng libreng sakay ay kinakailangan lamang ng mga senior citizen na magprisenta ng ID mula sa Office for Senior Citizen Affairs ID o anuman valid ID na may petsa ng kanilang kapanganakan.

Ang mga Senior Citizens naman na may Stored Value Cards ay maaaring lumapit sa mga On Site Tellers para sa card activation upang hindi makaiwas sa fare deductions.

Ang unang linggo ng Oktubre ay inilaan para sa mga Senior Citizens ng bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No 470 series 1994.

Facebook Comments