LRT-1, may libreng sakay para sa mga senior citizen sa October 8 bilang paggunita sa Elderly Filipino Week

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line-1 (LRT-1) para sa mga senior citizens sa Linggo, October 8 bilang paggunita sa Elderly Filipino Week.

Ayon sa operator nito na Light Rail Manila Corp. (LRMC), libre ang sakay ng mga ito sa lahat ng 20 istasyon ng LRT-1 mula sa Baclaran hanggang Roosevelt.

Ang unang trip nito ay aalis sa mga istasyon ng 4:30 ng umaga, habang ang last trip naman pa-northbound ay aalis sa Baclaran ng 9:30 ng gabi, at ang southbound naman ay aalis sa Roosevelt ng 9:45 ng gabi.


Para makakuha ng libreng single journey tickets, kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang senior citizen ID o anumang ID na may nakalagay na petsa ng birthdate.

Para naman sa mga may stored value cards, tumungo lamang sa mga on-site tellers para ma-activate ito at upang hindi mabawasan ang load na laman nito.

Facebook Comments