LRT-1 , nag-anunsyo na ng schedule ng kanilang biyahe sa Semana Santa

69

Pansamantalang suspendido ang biyahe ng mga tren ng LRT-1 simula sa March 31 ( Miyerkoles Santo ) hanggang April 4 o Pasko ng Pagkabuhay, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Ito ay para bigyang daan ang taunang maintenance work sa mga linya ng tren at sa kanilang mga istasyon.


Sinabi ng LRMC na tuloy ang regular na oras ng biyahe ng LRT-1 sa March 29 at 30.

Ang unang biyahe ay 4:30AM at ang huling biyahe ng tren mula sa Baclaran Station ay alas-10:00 ng gabi habang 10:15 PM naman mula sa Balintawak Station.

Sinabi ni LRMC Chief Operating Officer Enrico Benipayo na layon ng maintenance work na matiyak na magiging maayos ang sistema ng LRT-1.

Facebook Comments