LRT-1, sasailalim sa system upgrade

Mas pagbubutihin pa ang serbisyong hatid ng Light Rail Transit line 1 para sa kaginhawaan at ligtas na biyahe ng mga pasahero.

Sa anunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), magkakaroon ng system upgrade ang LRT-1.

Pero simula ngayong araw mas maaga ang last trip ng mga tren.


Alas-9:30 ng gabi ang last trip ng tren sa Baclaran patungong Roosevelt habang alas-9:45 ng gabi ang huling biyahe ng tren sa Roosevelt pabalik ng Baclaran.

Mananatili naman ang schedule ng unang biyahe ng mga tren bandang 4:30 ng madaling-araw.

Inaasahang makukumpleto ang system upgrade sa October 2020.

Facebook Comments