
Balik-operasyon na ang LRT Line 2 matapos na magkaroon ng aberya ang isa sa mga tren ngayong umaga.
Ayon sa pamunuan ng LRT-A, alas-5:55 ng umaga nang ibalik ng operasyon habang pasado alas-sais naman nang buksan ang harang ng North Entrance ng Araneta-Cubao Station.
Dahil dito, naging abala para sa mga ilang komyuter na gumagamit ng LRT-2 ang nangyaring aberya.
Ilan sa ating mga nakapanayam na hindi na humarap sa camera, dumating sila ng mas maaga dito pero tumambad sa kanila ang nakasarang istasyon at ang abiso ng pamunuan.
Dahil dito ay napilitan silang sumakay na lang sa mga PUV sa lugar o ‘di kaya ay nag-book na lamang sa mga ride hailing app.
Facebook Comments










