LRT-2, magbibigay ng libreng sakay para sa mga marino kaugnay ng Day of the Filipino Seafarer bukas

Maghahandog ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng sakay para mga marino.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer bukas, June 25.

Maaaring i-avail ang libreng sakay sa LRT-2 simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.


Ipakita lamang ang Seafarer’s Record Book, Seafarer’s Identification Booklet, o Seafarer Identity Document para sa libreng sakay.

Ang libreng sakay ay alinsunod sa kahilingan ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa LRTA bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga Pilipinong marino sa international trade at pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Facebook Comments